We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

BAPTISMO

by PROLET

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
UNANG PAGBASA: woah! at sinimulan na naman paninising gahaman, kailangan ba ang kanilang panglalamang? malamang tayo siyang lagi mapaghangad, mapangahas silang mga nasa taas! nakasaad na ito sa mga pinanonood na palabas, nakalaan na ito sa mga nangangailangan kung lahat naka-armas! lalabanan sila! magiging pula at magiging punla. babalik saan nagmula, magiging lupa na ito nang humupang luha! makakakuha ka pa ba ng benepisyo sa parati mo na pagkunsumo? nililibang sa proseso ng paulit-ulit, paulit-ulit na ehersisyo. may abusong bisyo ng ensayo ang sakripisyo pag kapitalismo, mismo! hihilingin ko rito ang paniniwala sa pag-uunawa ng kalahatan kasamahan, mabuti man yan o kasamaan, makabubuti ang isang tugon, hindi lang bulong, iisang pugon. sinilang sa ngayon ng pagkakataon, makawawala sa loob ng kahon, digmang bayan na ang magsosolusyon, sa suliranin ng mga lumilipas na panahon. huwag nang magpapaapi lalo na sa PnP at AfP, huwag nang magpapahuli lalo na sa panganib na tiwali, hindi naman talaga kailangan ang I.D, kung pinangalagaan na natin ang mga I.P.! oh! huwag makuntento sa ningas-kugon na progreso magiging wasto na punto ng argumento ang pagbabago ay para lahat sa makikitungo dahil, tayong mga tao lang din ang siyang magiging mismong kongreto na gobyerno.
2.
SA BAGONG SILANG: sinarado! binarado tinatahak na landas ay apurado, aprubadong halo-halo, abugadong manggagago, mga kaso na katumbas na magkano! kahit bawal, kahit bago, lulusot sa butas sa gawa-gawang batas ng tao. pinaplanong mananalo, ilalamang sa perang ilalaban sa atrasong panggagantso. pina-inosenteng akusado, lahat naman ng malulubha ay biglang magiging atrasado. tayo'y said sa sakim at hirap sa danas na mga biktima kapag natatalo. iilan-ilan silang nag-aabang, bilang na bilang ang panglalamang, pakana sa kung sino ang ayun ay ating alam na alam. (check! check!) nakita na ba at kinimkim? puwede naman pagnilayan ng mataimtim. nakasoot ng makikinang na singsing, sa kintab liliyab ang lahat nang magising. at doon lamang matatawag na tayo pala talagang dinudurog na at nilulugi. walang aasenso o makatatamo ng ginhawa kung nariyan ang isang naghaharing-uri. sa ngayon mahirap paniwalain ang nagdurusa, at ngayon maniniwalang pagkukusa, sasalba sa pinakita na, pagluksang mukhang panghusga. kumusta? tinusta ka ata nang pagpapaalipin sa kapitalista, napabilang din kasi ako sa pangalan ng mga nakalista, tayo ay nasa isang misa. makinig tumayo ka lang mag-isa, may hindi nanatili, sa pananatili kung hindi pa buo ang sarili. ang mga pulis ang mga pinakauna mong magiging kalaban! kahit alam mong walang dahilan dapat lagi sila na iniiwas-iwasan, at lumisan para maibsan, walang atensyong dapat nakunan, hindi ehemplong dapat tularan, walang komentong pag-uusapan. at hihinto ako sa paghinto ng aking taludtod, sa saliw susunod, aliw na paglugod, baliw sa pagluhod, uod na ba sa panonood?
3.
PANGDAIGDIGANG AWIT NG MANGGAGAWA
4.
PANANATILI: KASAMA ANG ARAW: nang sumugod ay agad na nilamukos agad na pinautos sagad na pinaubos alam na pinauso paalaman ng husto. pahalagahan ang gusto abangan ang tuso, nang makalaya agad. nakialam sa tukso at umulit agad. mayroong panghulihang pangkat, barong-barong na panghulihang tanggap. bueno mano, araw-araw nakakaagaw wala pang araw umiibabaw sa rabaw ng pataw, nagpapapukaw sa uhaw ng bugaw makalulusaw sa pagnanakaw. pagkukulang sa natural natin na ilaw, hati-hati nilang pinamamahagi at nilinaw. sala-salapi nila tayong sabay sinilaw, malalim ang hukay sa soot nilang hikaw, pagpapaaliwalas sa mukha nilang paninilaw. dahan-dahan lang mahabaan pa, ilang daang daan ba ang dadaanan pa? at marahan lang at marapat na lahat ng oras dapat nagpapakumbaba, huwag sumunod sa masama, napigilan pa, naibigang banta naisipang mawala kahit minsan ay wala pangyayaring kumawala, sapilitang pagtakas at mangyayari ay wala. kung dumidilim man na ang gilid, makikita ang gitna at sisisid maaaring gawin ay suriin, makikita sa pakikinig ang mga paligid. totoo ang pananatili.
5.
LUHA NAMIN SA SANLIBUTAN: anong palagay sa pagbibigay ng kamay tinatago pa't nang malaman ay biglang ipinagpapahiwalay. masasabi ba na kapag ba ay may pagkakaiba, hindi magkakaisa? pinag-iisa nila at pinaghihila-hila, kumikita sa pumipila, lahat pinahihina't sinisira. mauuna ang inuuna. sa ating kapanganakan mayro'ng batas na pinangangalandakan aabutan hanggang sa tahanan gagastos sa papel na hangganang kamatayan walang kamalayang katuwang pala ang pananampalataya. ipagkakawalang nabahala ang kabuuan, magsisimulang kamulatang aabutan ang sanlibutan! nakakahapo sa pagkukulob ng samyo, lideratong pangtao litratong kandidato lang ang anyo ay hango sa bagong pangako. panglasong pangbato, akala ay sarado. inayos ang disenyo, nagdiwang at na-engganyo. bigla-bigla binalik sinagip balak na pag-asang hinakit, tinakip, mahabang may bala pagtamang binaril sa dilim. nabuhay nang siningil, sa maraming paghuhukay ng mga bangkay ang mga nilihim. paloob ng ingay ay masasanay, makababatay sa pagiging pantay. kahit na kung gaano pa tayong nangangapa, ipagpapahula sa susunod nilang pambabalahura, at pinagpapamura sa ating pinagkakadusa, tanging luha lang makukuha sa dukha, huli man natin malalaman tutumba pa rin ang nag-iisa nating kalaban. mayron bang panibagong dumating na datos? abangan ang ambagan na naman ulit nila sa kanilang panggastos, susunod muli sa sunod nilang pang-utos. kalugod-lugod bang ugod-ugod na umuubod na pang-uubos kahirapang ngayong nilamukos, maniwalang makakawala sa ating pagkakagapos. tumitigil o hindi, walang konsensyang pinipili't binabahagi ang naturang natural na mga mali. tatahimik. nang sandali, sa kaguluhan na kung saan tayo bumabaling manlilibang sila sa ating nalilitong nahumaling, makukuha lang sa pagmasid, mandidistorbo para naman tumingin, marami pang nagawa na parating. panglaban sa ating ang kinatatakot, minamanhid nila tayo sa angkop nang kanilang mga pinagsasakop, napapain sa retorikang panglolokong pinapangakong nilalamon. sa natatangi nating utak ang mga nilalaman na lamang nang binuhay na panahon pinagkaiba-ibang mga taong, inaabuso ay ang mga taong, nahahayaang pag-iisip nila na nilalason.
6.
DANUM ng SALIDUMMAY
7.
SINAUNANG PANLILIGAW KAY SMILE: sinasalba ng pagmamahal sinasamba ang kinatataas, pinapalakas ako ng aking pinakamamahal pinagdarasal sa aming paraan, maninindigang lumalaban kahit gaano pa ang itatagal mayroon dangal na makapagtatanggal sa mga mapanglamang. maglalaman ng pagmamahal, mag-aalam nang mag-aalam mas magtatagal ang paghahawak ng mga kamay tangan sa pagkakayakap. walang huling pagsisisi, habang buhay kasing pananatili. kapag ikaw ang pinanonood, dahan-dahan kong kinalulugod. naghahalo nang buo at buo-buong sayong marahan naman silang sumusunod. siksikan sa ating kuwarto, ang numerong kuwadro na kuwatro. ikakanta ang gagawin sa imahen, maniniwala ang lahat ng mga panalangin. pinahuhubog tayo ng masang higit, natatanging daigdig ay ang pag-ibig. sa bahay nang hapong pag-iisip, nagkita tayo sa ating panaginip. *Tula ng pag-ibig para kay Smile* ROSAS NG DIGMA (TUGON) - DANNY FABELLA
8.
SASAKYAN! 02:22
SASAKYAN!: mahiwaga na almusal, wala pang minutong nagtatagal. panandalian ang pisikal, patanghalian na minimal. karaniwan lang na kriminal, nilarawan lang na tumatagal. kinasusuklamang kalaban, papaniwalaang kakampihan. bagu-baguhang inalipin, lahat ay susundin! tau-tauhan ng tungkulin, lahat ay susundin! halu-haluang apuhapin, ay aking susundin! laru-laruang atupagin, ay aking uunahin kung susumahin, bibilanging nahuhumaling sinungaling! nang-aakin, nang-aaning-aning pa kung susumahin, sinamantala tayo ng naghaharian lang naman. puwede bang ipagtutumba na ang kanilang mga upuan? nang hinawakan ko ay ginilitan ko ang kanilang ulo sa kabilang dulo magkabilang punlo, mapupugot, ang punong lungsod. maging patnugot ang taong susugod sa pagkahulog pa lang muling huhubog. at pinaninda hinakot ang pina-inda tinakot ang pinakitang kasangkot ang kapulisang nangtotokhang, kadungisang pananambang. kalinisang pagpapanggap, malapala-isipang tinatanggap. nilalanghap, sa kalsada ang usok ng tambutso't ng dugo. nakakalat, tumutulo, paano ito maisusugpo? karapat dapat daw ito sa adik na sumusuway, pero dapat 'to sa adik na sa adik na rin pumapatay. naghihintay lamang tayo sa pagyaring pagpantay, nasisikhay lamang tayo sa ating pagbabantay. pag-usapan nang mabuti at ingatan, mula't sa sariling ipagpupunlang kalahatan.
9.
PANGPAHILOM NA MUSIKA AY ANG TUNOG NG KALIKASAN
10.
ODA SA KALDERO ni ROBERTO OFANDA UMIL DAPAT BAWIIN ng PATATAG {REMIX} ODA SA KALDERO ROBERTO OFANDA UMIL: Dinidilaan ng kalan Ang kaniyang puwitan, Isang araw tatlong salang. Pagsubo ng mga butil Na kanyang tinakpan At pagsanib ng tubig sa hangin, Maliligis ng ngipin paghain. Ilang salinlahi na Sa karinderyang ito Ang kanyang pinagsilbihan, Gawaing hindi mapigil Kahit pa siya ay maulingan. Kapag may handaan, Nag-iibayo ang sipag sa asal Na umi-is-is at nagpakinis Sa kanyang katangian. Ngunit ang kanyang tungkulin Ay may takdang katapusan, Binutasan ng panahon Ang numipis niyang tiyan. Inilugmok man siya't Walang pansing lumilingon Sa labas, Sa gilid ng pintuan, Sapusapo niya ngayon Ang isang mayabong na halaman. ********** karapatang-ari © 1997 ni Roberto Ofanda Umil karapatang-ari © ng Patatag
11.
Ehersisyo 05:22
EHERSISYO: ang ehersisyo ng katawan ay aking hinahanap, saan magsisimula? saan mahahanap? puro bisyo lang ang aking tinatanggap, saan magmumula? saan matatanggap? dati na? baguhan lang. malapit pala ako dapat sa aking tinatahak, dito ko binabalak, malayang umulit-ulit, umulit-ulit. kahit sino puwede akong kausapin, lalapitan ako at kikilalanin, puwedeng magsinungaling, puwede naman ding umamin. sa mga kalahok makikisapi, sa unang tanong anong masasabi? kung uunahin man nila kung anong aking pangalan, magkakaroon ako ng paraan pa mapalitan, hindi ako mauubusan ng mga dahilan. ibuhos ang tanong sa mga sagot na gusto malaman, kahit maubusan ako magbabahagi pa rin ng mga nalalaman mayron man o walang kinalaman. makikinig maigi sa amin pag-uusapan. hindi nila ako makikilala ng tuluyan, sa pagpapakilalang nilalayo ang ugnayan. nauunawaan naman ng lubos, ang pakikipagsalamuha kung ang pagpapakilala ay impormasyon lang na kinukuha. pagdating ng araw, gagamitin laban sa aking nagdurusa, gawa-gawang pangbibintang ang gusto nilang pagpaparusa. walang awang hahataw sa mga lumuluha, kaya ako ay nagkusa. walang ibabaw ang langit para magpahupa, binago ko ang pakikitungo at tono, magpapaupo ako sa aking trono. isa-isa lang sa bawat tao. mabait man o magiging gago, malalaman sagot ay sa kung paano ang pagtratrato. gawing patas ang batas, halimbawa na lang ang ating mga ninuno. maling gamit ang dahas, huwag magpaniwala sa ating mga pinuno. ang mga kasama ko, ay maalagaan ng mabuti. kung maalaga ako sa pag-iisip, at maalaga sa sarili. tandaang siyensya ang konsensya, para hindi na magsisisi. lagi lang dapat presenta at manatili sa presensya, mas hahabaan, at hahabaan pa ang mga magiging pasensya. kumikilos sa ilalim ng kahit anong impluwensya, gumagapos sa patnubay ng mga natitirang ebidensya. sa ating pagkakasala ay wala namang ginawa na delihensya. ang hinahanap ko na ehersisyo ay nasa pag-iisip ng ating utak. ang ensayo ko, ay makalutas ng problema sa ating hinaharap. tanggaling ang masasamang balak sa likuran nating nakatarak. harapin ang mundo, nang walang pagdududa na dumadaloy sa una nating pagsabak.
12.
PAGBISITA NG KASAMA: kung nalilito sa kung saan ipipihit nawawala o numinipis sa pag-ipit lumalabas naman ang mga ibig-sabihin, sa ating mga hilig. sinulat na ng mga manunulat ang mga dapat nating iisipin. kung naghihingalo na sa sakit ayaw magpatingin lumabas at suriin puwede namang kunin ang oras para tumahimik. ang mga lakad ay plaplanuhin, ang mga importante uunahin, at sa mga balak pa na aapuhapin. pinapanalangin ng naghaharing-uri na ang mga tao ang maaapi, ay walang-wala para may masabi at dapang-dapa sa ating pagkakahati. lampang-lampang ngumangawang sabay-sabay nakikipagdalamhati. walang awang mga kabahagi, kahit na ang mga kahati, kailangan mo nang sumapi. kaya sa masang-api na kumampi, mga kabataan ay kasali, matatanda't minorya at babae. lagi at laging mayroong bakante. walang kasarian, at tayong mahihirap ang magkakampi, ito ay tunggalian sa sariling kapakanan. para sa lahat, at sa lahat ng mga tahanan na sa susunod na henerasyon ay may magpapatahan. iwasan na, iwasan na ang mga ahensyang sanlaan ng lakas. matutubos ng pagsipag at tiyaga ng dahas. baliwala, binaliwala ang walo o higit na oras. nakagapos nakataling nakaupong parang nakaposas. ang nararanasan natin ay hindi nararanasan ng malalaking burgesyang kumprador, dahil sila ang nagplaplano sa kung paano tayo iproprogram ng tamang paraan sa kanilang pabor. itanggi mo man, itanggi ko man, walang hanggahan ang bangayan sa kung alin man. kung relihiyon, kailangan mo na talagang kalimutan ang Panginoon mong Diyos at puriin mo na ang iyong sarili. patawarin mo at huwag ka nang magsisisi. maraming pang problema aking kasama, sa ngayon yun na muna, sa susunod muli nating pagkikita, sa malapit na panahon, mag-iingat kayo lagi, naririyan na sila.
13.
O U T R O 01:55
SALAMAT KAY SMILE SALAMAT SA IYO PARA ITO SA MASA KILOS NA AKING KASAMA
14.
I N T R O 00:50
PARA SA SUSUNOD MONG KANTA

about

GAWA LAHAT NI PROLET
PARA SA MASA

credits

released October 16, 2020

KUHA LAHAT NI SMILE

license

all rights reserved

tags

about

PROLET Philippines

Smile

4
4
4
4

contact / help

Contact PROLET

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like PROLET, you may also like: